hanggang ngayon, hindi ko pa rin kaya. naiiyak ako...
naalala ko pa rin yung mga usapan namin noong highschool ako...
yung,kapag raw nakatapos ako ng biochemistry, ako na raw ang magiging druglord ng batch namin...yung, baka habang naglalakad ako sa daan papuntang Rob Manila, baka ma-discover daw ako...yung, baka maka-meet ako ng guy...may kotse rin...haha
naaalala ko pa, yung pag-iyak ng mga kaibigan ko sa akin... sa tuwing maiisip raw kasi nila ang graduation, ako lang ang naaalala nila... ako lang raw kasi ang mapapalayo, sila, magkakasama pa rin...tapos, yung plano rin na magpa-transfer na lang ako sa LB...para magkakasama pa rin kami...[abbie, if you're reading this, i can only say that i am still keeping that text.]
yung daddy ko.
namimiss ko siya. siya lang kasi ang naniniwala sa akin. siya lang ang may gusto na tumuloy ako. kaya lang, hindi ko naman kaya na maghirap siya at ang pamilya ko... buong sweldo na kasi ata niya yung malamang na makukuha ko kung nagkataon na tumuloy ako.
naalala ko rin yung noong grad...habang nasa bleachers ang parents at sister ko, tinext ko ang mommy at daddy ko ng "sorry, wala man lang akong medal na naiuwi para sa atin."
sabi naman ng daddy ko, "anak, no need to ask sorry. wala kang kasalanan. mas proud ako na naging anak kita at sapat na ang ikaw lang ang pumasa sa UP manila. mas proud ako don than medal..."
wala lang. si daddy rin yung nag-asikaso sa akin. i mean.. sabi niya, kung gusto ko raw,bakit nila ako ide-deprive...
wala lang. wala naman magagawa...hindi ko naman sinasabi na hanggang salita lang sila... wala lang. they made me expect everything.
the event of passing UP was the greatest in my life. inakala nilang matalino ako and everything, i have even mentioned the gift which pastor steve gave me,,,because, as he said, i worked hard these past few years of my highschool life.
nung kasal ni tita prose, may 25, kinamusta ni pastor rolly yung magiging buhay ko as college student sa manila.
ako:"hindi na po ako tutuloy e."
pastor rolly: "bakit?"
ako:"masyado pong masakit para pag-usapan...joke."
pastor rolly: "e,bakit nga? hindi ko alam yun,a?"
ako:"ganon po e..."
pastor rolly: "o,sige. kausapin ko na lang ang mommy mo."
tapos,kinabukasan, narinig ko na lang sa pag-uusap ng mommy ko at ng mga friends niya, yun nga. kinausap nga raw siya ni pastor..HINAYANG nga raw na HINAYANG e...
wala lang. sayang naman, hindi pa rin niya na-convince si mommy...
si tito dennis din...
"sayang yun! ang hirap kayang makapasa sa course na yon!"
[paulit-ulit yan. kaya. iyak na rin ako ng iyak]
alam niyo yung commercial sa knorr? yung, "pa-MANILA na siya..."
wala lang. I HATE IT. ako sana yun.